ni Jonnel John Paredes, BSA 3-2

Alas dose? alas dos? alas kwatro ng umaga?
Ganitong oras ba'y tuliro't aligaga ka pa?
Dili kaya'y di na natulog, dilat ang iyong mata
Sa sangkatutak na gawain animo'y walang pag-asa?

'Wag mangamba, nakaraang semester ay limot ka na!
Datapwa't sa pagsibol ng bagong yugto'y mababanaag
Isang malaking hamong sayo'y tila nagbabadya
Basta't sa isipan ikintal - diwa'y ipukol gawin mong kalasag!

Sa pagpasok ng bagong semester, agam-agam ay 'yong itakwil
Buong lugod na harapin, sa pangarap 'wag maging sagwil!
Anupa't iyong nasimulan landas na piniling tamnan
Kaya't pagsikapan, hayaang kumislap iyong paham na isipan!

Bagong kabanata ma'y kakaiba, sariwang karanasan nama'y binabagtas
Tumindig, tumikas, isip at diwa'y wag nawang kumalas
Sa mga mukhang ngayon lang nasilayan, sa asignaturang bagong naulinigan
Hanggang sa pagsusunog ng kilay kahit sa mga gawaing masukal man.

At kung may balakid mang mistulang anay na pilit sumisiksik
Kakapusan sa pera, oras at suliraning tumitiktik
Magpokus ka't isipa'y imulat sa tamang landasin
Nang pagpapasya'y tuwid sa pagtumbok ng iyong hangarin.

Sa hamon na ito, bawat pagkakatao'y malawak ang saklaw
Matutong makiayon at makibagay sa daang magsisilbing tanglaw
Dahil sa bagong yugto, umpisa palang ng mahabang pakikibaka
Hangad kong mamutawi sa'yo ang katatagan at sa Diyos ika'y tumalima!

 
by Claudine Faylogna, BSA 4-1

You care not about her, not about him
Self-centered: indeed you are;
You show no help when people scream
You declare no peace, always war.

Courage, you say, is what you own,
Do you really think that is bravery?
As you raise yourself and bring people down;
Why do you judge? You’re not a jury.

Sail by the sea, soon you’ll know,
Your thick skin will soon get burned;
You think you look good, is that so?
You bet, how many curses have you earned?

Blunders say you belong with them,
You’re a piece of shit in this world;
An unwanted thorn in a smooth stem,
Karma’s a bitch, you’ll soon get curled.

Go on and continue what you’re doing,
Let them hate every piece of you;
Since you love it when you see people crying,
Get ready when things return in due.